Showing posts with label Paeng Ferrer. Show all posts
Showing posts with label Paeng Ferrer. Show all posts

Wednesday, October 30, 2013

Bahag-hari sa Cubao

I just translated the poem "Rainbows in Cubao" (see below) in Filipino

Paeng Ferrer
29 Oct 2013

"We're born alone, we live alone, we die alone.
Only through our love and friendship can we create the illusion
for the moment that we're not alone." - Orson Welles


Nahalina ako ng kumikislap na laruang

de-kuryente. Marahil Made in China
na may tau-tauhang kenkoy na nakadikit sa tuktok.

Mga mabababaw na bagay na matatagpuan
sa maruming kanto ng Cubao,
lalo na ‘pag gabi.

Bunga ng inggit, mula sa laruan
o marahil mula sa kasiyahan niya,
binugahan ko siya ng makapal na usok
galing sa yosing bitbit ko buong araw.
Umiyak siya sa pangamba.
Hindi ako humingi ng paumanhin.

Isang mumurahing artipisyal na bahag-hari
sa kamay ng isang batang babae
pero tunay na maligaya siya.

Hinampas mo ako sa balikat
para ipaalala ang asal ko.

Hindi ako kumilos
ni isang pintig
kasi nagiging kulog ang isang munting tibok
tuwing hindi umiimik ang lahat.

Ipagpaumanhin mo kung maalikabok ang bahay ko.
Ako ang alikabok pero hindi ka pwedeng hikain.

Bakit kinalilimutan ng tao ang malasakit
gayong ito ang tanging katotohanang
nakapang-aakit at puno ng pag-asa?
Ano’ng paki ko?

Umuwi ako sa maalikabok na bahay
at itinarangka ang pinto ng kadenang umuugoy
na hindi ko na nais buksan kailanpaman.

Tinitigan mo ang kalsada
at niyakap ng mahigpit ang abasto
na parang kasing-irog mong
nag-aabang ng bus.

Marahil maligaya ka rin,
tulad ng lumuluhang paslit,
nang sumakay sa bus.

Nagtatakang tumitig sa akin ang tindero.
Binigyan ko siya ng 50 piso
kapalit ng walang kapararakang laruan
at iniabot sa iyo.
Magalang kang tumanggi.

Ano’ng paki ko?
Maalikabok pa rin ang bahay ko.
Nambubwisit pa rin ang patay-sinding laruan
habang itinatapon ko ang sigarilyo.
Tinitigan ko ang pinto
kung saan idinuduyan pa rin ang kadena.
Iumpog ang ulo sa hawakan! #

Monday, October 28, 2013

Rainbows in Cubao

Paeng Ferrer
28 Oct 2013


"We're born alone, we live alone, we die alone.
Only through our love and friendship can we create the illusion
for the moment that we're not alone." - Orson Welles


The blinking lights from that cheap toy
put me in a trance.
It was probably made in China
with a cartoon character perched on top.

The trivial things you find
in the messy streets of Cubao,
especially at night.

Out of envy, from the toy
or perhaps from her happiness,
I let out a thick streak of smoke to her face
from the cig I've been carrying all day.
She wept fear. I didn't apologize.

What a cheap electronic imitation of rainbows
in the hands of a child
but it made her eternally blissful.

You thumped me on the shoulders
reminding me of my morals.

I didn't even move,
not a single heart beat
because a tiny throb becomes thunderous
when everyone else says nothing.

I’m sorry if my house needs dusting.
I am dust and you must take care of asthma attacks.

Why do people neglect to care
even though it is the only truth
that is exquisite and hopeful?
See if I care.

So I went to my dusty lodging and locked the door
with a pendulum chain
that I prefer never to open once more.

You just stared at the roads
and clutched your bag tightly like a lover
waiting for your bus.

I guess you're happy too,
just like that toddler in tears,
when you hopped on your ride.

Puzzled, the vendor gazed at me.
I gave him 50 bucks
for that tasteless toy
and handed it to you.
You refused politely.

See if I care.
My house endures dust.
The flashing plaything persists to annoy
while I throw away my cigarettes.
I stare at the door,
where the sliding chain still swings,
and bang my head on the doorknob! #

Wednesday, July 17, 2013

"Aktibong Paghahanap”


















Paeng Ferrer
17 July 2013

Nais kitang makita,
gayundin, hinanap mo ako.

Madaling-araw,
mabilis akong tumakbo.
Hinahabol kita.

May binanggit kang kung anong rason
kung bakit mo ako hinanap
pero hindi ako naniwala.
Hindi ko na rin sinabi sa ‘yo.

Pareho nating kinumusta ang  bawat isa.
Sino nga ang naunang sumagot?

Gumising ako
at natagpuan ka
sa ‘di inaasahang lugar
at oras.

Mabilis akong tumakbo
at naabutan ka
doon sa may kurba ng kalsada.

“Ang paghahanap pala
ay aktibong paghihintay,”
sabi ko sa sarili.

Nakita kong wala kang bitbit na kahit ano,
walang bagahe.
Tuwid na tuwid ang tindig natin.
Nag-aabang sa pagsikat ng araw. ***

Thursday, April 25, 2013

Hindi ko Inakala 'Yon


Paeng Ferrer
19 Apr 2013



















Hindi ko inakala 'yon.

'Di lumagos ang ilaw papasok
sa silid sapagkat maitim na asul
at makapal ang kurtina.

Ngayon, hindi na ako ang kasama mo.
Bakit nga ba
hindi ko inakala 'yon?
Hindi ko napaghandaan.

Dumungaw ako sa labas ng bintana.
Tanghaling tapat
at patuloy sa pagkalaykay ng kayle
ang mga manggagawa
ngunit hindi ko naririnig.
Pawang lumang pelikula
na mabagal at walang tunog.

Gumising akong wala ka.
Mabangis ang lungkot
pagkat 'di na ako nasanay.
"Hindi na ito mauulit,"
pangako ko sa sarili.
Huling beses nang malulumbay.

Sa loob ng silid,
kausap ko ang upuan.
Matagal kaming nag-usap.
Matagal din kaming tumahimik.

Matindi ang init.
Wala akong hawak
pero nakakuyom nang mahigpit
ang palad.

Bakit nangangako sa sarili
kung alam kong malabong tuparin?
Paano nakuhang magsinungaling sa sarili?
Bakit 'di nabisto ang sarili
nang sinabing, "ayoko sa 'yo?"

Di pa rin tayo natatapos
magtalo sa mga maliliit na bagay.
Nagtutuos kami ng upuan -
talo ang unang magsalita.

Hanggang inabot kami ng gabi
Umuwi na ang mga manggagawa
pero 'di pa tapos ang kalsada. ***

Wednesday, April 24, 2013

Ipinaalala ka sa Akin ng Ilog


Paeng Ferrer
23 Apr 2013




















Ipinaalala ka sa akin ng ilog
kung saan maligaya kang lumangoy.
Pagpapalaya at pagpapaubaya ang tubig.

Hindi na yata ito mauulit.
Ikaw ang una
pero papalayo na ang oras; 
nagpapaalam.

Dambuhala ang mga bato
at maputi ang mga munting bula
pati may puwersa ang daloy.

Kinausap mo ako
subalit 'di ako sumabat
'pagkat kontento na akong kapiling ka.
Iyon lang ang nais kong sambitin.

Katamtaman ang sikat ng araw
nang umagang iyon
at ako ang ligaw na damo
na ginising ng iyong hamog.

Pinagmasdan tayo ng sariwang hangin.
Sa kabilang ibayo,
natanaw ko ang baryo sa tuktok ng bundok
Sa malayo, may magnobyo, sa malayo...

Lilipas ang perpektong umagang ito
gaya ng natatakdang paglisan mo.

Hinahaplos ko ang ilog
habang dinadamdam ang lamig nito.***

Wednesday, April 17, 2013

Isang Beses, Natagpuan ko ang Sarili


Paeng Ferrer
15 April 2013

I. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong bumibili ng yosi sa kanto kahit gutom at wala pang hapunan.

II. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong nagagalit sa cellphone pagkagising dahil 'di ka nagreply kahit kagabi pa ako nagtext. Putsa, madaling-araw na ngayon! Dapat yata dalawang beses kong ipinadala?

III. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong nalilimutang magbilang habang nagwo-workout. Muntik na akong maipit ng barbell.

IV. Isang beses, natagpuan ko ang sarili ko, habang nagwiwithdraw sa bangko, na iniisip kung anong ireregalo sa kaarawan mo kahit sa susunod na buwan pa 'yon. I-phone kaya? Kaso baka isipin mong binibili kita. Libro? Masyadong seryoso. Pero wide reader ka, 'di ba? Eh flowers at chocolates? Ako na ang sunod sa pila kaya’t tinawag na ako ng kahera. Putsa libro na nga lang!

V. Isang beses Natagpuan ko ang sarili kong pabalik-balik sa mga paborito nating pwesto sa mall at baka sakaling aksidenteng magkita tayo. Noong nilibre kita ng pizza, o nang palambing mong pinalo ang braso ko dahil inasar kita habang nanonood ng sine, at noong tinawag mo akong little brother habang nagkakape.

VI. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong nakakuyom ang palad habang naglalakad sa kalsada. Gusto kong manapak ng mga magnobyo.

VII. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong nakatunganga sa video mo na sikretong kinuhaan ko sa cellphone habang nagkakaraoke ka sa kantang "Sundo" ng Imago. Lalo akong napalukso at nalungkot nang magkasabay sa timbre ng tinig mo. Kung 'di ako nagkakamali, dinedicate mo sa akin ang kantang 'to. Tama ba?

VIII. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong tumatawag ng ambulansya dahil 'di ako makahinga nang makita kitang kasama ang ex- mo. Nagkabalikan kayo, ibinalita mo.

IX. Isang beses, natagpuan ko ang sarili kong nakanganga, naglalaway na parang may tipus, at napapraning.

X. Isang beses, natagpuan ko ang sarili ko, putsa, literal!***

A Monument with no Face and no Eyes


Paeng Ferrer
15 April 2013

"The greatest pretenses are built up not to hide the evil and the ugly in us, but our emptiness. The hardest thing to hide is something that is not there." -Eric Hoffer

I woke up sometime somewhere in a public park's toilet.
In the park, a monument stood with no face and no eyes.

When you left that morning,
I could not hear the question you asked
because a car rowdily drove by.
It made the same shriek I keep hearing now
even when no autos are around.

You showed a distressed expression
but what could I do?
I cannot tell cars to stop.
I cannot tell you to stop.
I am powerless.

Someone handed fliers
and talked about preserving the monument
and tradition? Or was it heritage?
I failed to remember.

It just occurred that I do not care
about the idea of "selling out”
now that it’s merely a positive memory
and to one which I’m unable to return.

Did the heat kill me as the midday arrived?

I learned to treat noises
from cars' engines as music
and smoke from exhausts as breeze.
I learned to consume soil using utensils.
I learned to ignore people talking.

I wandered around in the midday's heat.
Do not worry because I've asked myself,
“Why?” a couple of times
but got zero answer.

I am the monument
with no face and no eyes
but my tears are made of algae.

Perhaps my emptiness is also empty
and it is miserable, as well, to be inside me
because it aspires to escape,
just like you.

How helpless it is to look for
something that disappeared.

We were in a park
staring at a statue with no face and no eyes.

I dropped on the grass
but you remained tall.
I could only stare at your shoes
as you are about leave.***

Tuesday, April 9, 2013

Ang Demonyo


09 Apr 2013
Paeng Ferrer

          Demonyo. Tigil. Hinatak niya ang lumalagablab na labi ko. Isang bomba. Pumipilantik. Lumulobo. Demonyo ko siyang itinuturing. Pare, sinasabi ko sa inyo, nagsasabi ako ng totoo.

          Isang demonyo! Hinila niya ang lubid na nakapulupot sa liig ko. Naroon kami sa may lumang bulwagan. Isang gabing pinili kong matira sa edipisyo sa ‘di ko alam na dahilan. Pinili kong mag-isa dahil mas kumportable.

  Isang magandang dilag! Pare, inakit ako ng karnal niyang kagandahan. Nakabibihag. Nakapangririmarim.

  Bumagsak ang mga dala kong gamit. Kumalansing. Dagli akong tumakbo.

  Matangkad siya, may hubog, at kulot ang mahabang buhok. Pero, sinasabi ko sa inyo, nagsasabi ako ng totoo, ang mga mata niya, nagpapahiwatig ang mga mata niya. Halimuyak ng rosas.

  Bumigay ang mga tuhod ko. Kinitil niya ang buhay ko. Ako ang liwanag na ginapi ng dilim.

  Demonyo siya. Sinasabi ko sa inyo, nagsasabi ako ng totoo.

  Naulinigan ko ang karwaheng dumaan sa labas ng edipisyo. “Saklolo!” gusto kong humiyaw. Pero dinaga ang mga labi ko. Hinila ng demonyo. Hinigpitan niya ang taling sumasakal sa akin.

  Ika-3 ng madaling araw. Marupok ang dilim. Parang pinupunit ng dilag. Ako ang liwanag na ginapi ng dilim.

  Hinalay ako ng demonyo. Sinagpang niya ang dignidad ko. Ninakaw ang katinuan ng diwa. Durug na durog. Kinatay niya ako. Pinatay niya ako.

  “Ninais mo rin naman,” pangungutya niya pagkatapos. Humalakhak siyang parang nagtagumpay siya.

  Hahayaan ko ba siyang magwagi? Makaliligtas ba ako nang isa pang gabi?

  Mag-isa ako noon. Kapiling ang demonyo.***

Saturday, November 10, 2012

Ligalig




















May patay na hipon
na nakatiwangwang sa aspalto.
Bumagsak kaya ito galing
sa huli ng hamak na mangingisda?
Maputla at nilalanggam.

Kanina pa may bumabagabag
na tanong sa akin,
"Anong oras darating ang sundo namin?"
Dalawampung minuto ang wika n'ya
ngunit isang oras na ang nakalipas.

Bakit kumikintab ang dagat
na parang bagong hasang itak?
May natatanaw akong balsa sa malayo
o baka iyo’y isang bangkay na nalunod.

Gaano ba kalayo ang islang
kinaroroonan ko?
Sa pagkakaalala ko
dalawang oras na maneho
at 30 minutong sagwan
hanggang dito.

Maitim ba ang langit dahil gabi
o may nagbabantang bagyo?

Inisip ko, mabuti at may kakwentuhan ako.
Sila nga ba'y dalawang guro,
dalawang syentista, at tatlong pulitiko?
Nasa loob kami ng isang silid
dito sa gitna ng pampang.

Sandali, saan siya nagmula?
Ang madreng nakaitim
na talukbong ang tinutukoy ko
sa kulay abong buhangin?
Karaka'y lumuhod at dinasalan
ng Latin ang dagat
na mistulang nitso sa sementeryo.
Pagdaka'y tumitig sa akin.
Ngunit bakit tumagos ang tingin niya?
Pawang 'di niya ako nakita?
Nagkulay dugo ang anino ko.

Sa kabilang gilid ng pampang,
narinig ko ang ungol
ng musang sa kakahuyan.
Marahil nagmamasid at nag-aabang
sa likod ng kawayan
para sa pagkakataong
sagpangin ako.

Anong oras darating ang sundo namin?
Isang oras at kalahati na ang lumipas.
Madilim na ang dagat.

Kailan makukumpleto ang putol
na tulay patawid sa ibayo?
Sabi nila, "May mga buwayang
nag-aabang sa gilid kung bumaha."
Kasama nila ang engkanto ng putik
na mahilig paglaruan ang dayuhan.
Kahit ilang barya ang ihulog,
putol din ang mga linya
ng telepono rito.

Bakit kung kailan walang trabaho
ay sarado ang establisyamento sa pulo?
Ayaw bang kumita ng pera ng lokal?
Bakit nakatarangka ang pinto
gayong pakiramdam ko'y may tao sa loob?
Nasusuklam ba sila sa amin?
Sabado nga ba ngayon? O Myerkules?

Bakit hindi ko matandaan?

Bakit hindi ko matandaan
ang mahigpit na habilin
ng sundo namin,
"Wala nang balsa paalis ng isla
'pag lipas ng ika-5."

O ika-6?
Kung walang balsa,
sa isla magpalipas ng magdamag.

Ang pinakanakapangririmarim
ay ang pakiramdam
na wala akong magawa
kundi magmatyag at magtago
sa likod ng dambuhalang bato.
Ano'ng iwinika noong madre?

Paano binuhat ng langgam
ang patay na sugpo?

Bakit hindi ko matandaan
ang pangalan ng mga kasama ko?
Hindi ko rin maalala kung nasaan sila.

Mag-isa lang ba ako?

Anong oras darating ang sundo ko?
Dalawang oras na ang nakalipas.
Nagsimula nang umambon.
Palakas nang palakas.
May balsa pa kaya paalis ng isla? ***

                                        - Paeng Ferrer
                                          Pulau Aman Penang, Malaysia

Sunday, September 2, 2012

Thesis Proposal


Sumulat ako ng tula noong nakaraang semestre. Habang gumagawa ng thesis proposal. Bangag ako nun. Hanggang ngayon gumagawa pa rin ako ng thesis proposal. Para ito sa mga nagti-THESIS.

"Thesis Proposal"
ni Paeng Ferrer
March 8, 2012

Gusto ko sanang sumulat ng tula
at ito ang una, huli, at tanging linya:
"Tambak na'ng hugasan sa lababo
maski 'di pa hapunan."

_____________________________
Maiksi at nakakatawa sana ang gusto kong emosyong lumabas. Kumbaga parang joke na may punchline. O kaya parang isang stanza sa blues. Pero parang malungkot yata ang lumitaw.

Friday, August 17, 2012

“Na-gets ko ‘yun boy pickup*”


Nakitadyak ka na ba ng ubod nang lakas
sa kinuyog na kawawang snatcher
para lang ilabas ang galit
nang mabasted?

Napasigaw ka na ba ng Boom!
para lumayas ang katahimikan
dahil dial tone lang ang sumagot
nang winika mong aylabyu?

Boom!

Nakisali ka na ba
sa mga rally para sa environment
kahit amoy basura naman ang kwarto mo
kasi ini-stalk mo si Caileigh
na myembro ng grupong Grimpis?
Boom!

Uminom ka na ba
ng 20 tasa ng kape sa isang araw
pero pakiramdam mo tulog ka pa rin
at walang hanggang binabangungot?
Boom!

Sumayaw ka na ba
ng "Who run the world"
kasi ang saya-saya
ng viral video ni Angelica, Camille, at Melay
at akala mo liligaya ka rin
kapag ginaya mo sila?
"Sino ba'ng niloloko mo?"
tanong mo sa sarili.
Dagling bumaligtad ang ngiti
at nagbuntong-hininga.
Boom!

Nagpakalat-kalat ka na ba
sa SM Fairview kahit alas-10 pa lang ng umaga
at kakabukas pa lang ng gate,
kahit binoboykot mo ang mall
dahil nagputol umano sila ng pine trees sa Baguio,
habang nakikinig ka sa kantang "esem" ni Dong Abay
at iniisip mo kung anong banda siya galing,
Yano ba o Pan,
sa i-pod mong gusto mong ipamigay
dahil lalo mo lang naaalala si Caileigh
na nagturo sa iyong mag-gitara,
at nanood ng love story
para manatiling kumakapit sa paniniwala
sa kadakilaan ng pag-ibig
ni Derek Ramsey at Anne Curtis?

Saka mo sinabi nang malakas
dahil naka-earphone ka,
"Sana pine tree na lang ako
para 'di na naiinlab.
Masakit sa puso eh.
Boom!" ***

____________________
* Ang pamagat ay mula sa Bubble Gang

Sinubukan ko lang gayahin ang tunog nila Bob Ong at Eros S. Atalia. Kung hindi epektibo, okay lang. Experiment lang naman, 'di ba? :-)

Saturday, June 30, 2012

Ang Sayaw ng Alikabok


Paeng Ferrer
27 June 2012
     
     
Nakatitig sa akin ang mga aklat.
May humuhudyat na tren sa 'di kalayuan.
Sinipat ko ang bintana.
Gabi na pala.
     
Dalawang taon na lang,
dalawang mabagal na taon.
     
Ako ang alikabok sa saklob ng aklat.
Ako rin ang salaring 'di pumagpag sa alikabok.
Kasi tinatamad.
Kasi marami pang pangarap.
     
Gustong mag-aral sa ibang bansa.
Gustong magturo sa ibang bansa.
Linisin ko raw muna ang alikabok.
     
Hindi pa ako masterado.
Tiningnan kong muli ang mga inaamag na aklat.
Nakatunganga at nawiwili ako sa tugtugin ng tren.
     
Potensyal na masterado.
Potensyal na mag-aaral sa dayuhang lupa.
Potensyal na guro.
Potensyal, pero 'di aktwal.
     
Nagsasayaw ako. ***

Thursday, April 21, 2011

Mga Byaheng Hindi Panturista



Paeng Ferrer
21 Apr 2011


Nag-eempake ka
papunta sa isang akademikong kumperensya
nang tinanong mo ako,
"naalala mo ba ang mga Aeta sa Zambales?”,

Isang linggo ka roon
habang nananatili akong nagsusulat
ng sanaysay tungkol sa mga bagong teorya
at tungkol sa pagtamlay.

Natandaan mo ba ang ulam
nilang pinaghalong sardinas at mami?
Isinilid mo ang lumang laptop sa bagahe
na waring hinapo sa rami ng nilakbay.

Sari-sari ang mga byahe natin.
Mayroong sa mga magsasaka sa Nueva Ecija
na walang tubig at kuryente;
sa mga natabunan ng trahedya sa Leyte;
o kaya’y sa mga naipit ng gyera sa Pikit?

May mapa ng Pilipinas sa pader natin
at may marka ang mga lugar panturista
pero ang parati nating nararating
ay masasabi rin namang kilalang lugar
dahil sa pinsala, kahirapan, at kaapihan.

Mistulang nag-aapoy ang dagat
sa paligid ng mapa.
Maya-maya’y nanlata rin ang apoy.

Saglit akong tumigil
upang isipin ang susunod na talata.
Pula ang dapithapon sa labas ng bintana.
Tulad ng una nating pagtatagpo
sa unibersidad.
Matapang kong inilalantad ang imperyalismo
at aktibo ka naman sa teatro noon.

Minsa’y gusto rin nating magbakasyon
at tumigil nang isang linggo
para patahanin ang loob.
Pero kadalasa’y ang nagpapahumpay ng kaluluwa
ay ang pakikipaglaban
para sa mga kubling pook.

Pumanglaw ang papawirin sa labas.
Itinabi ko ang kwaderno’t bolpen.
Nagpaalam ka para sa muling paglalakbay.
Sa paglabas mo ng pinto,
anino mo ang mapa ng Pilipinas
pero hindi ito nagliliyab tulad noon.

Paanong ang kay liit na bansa
ay nagtataglay ng kay laking dusa?

Maaapula pa ba natin ang sunog?
O ililikas na lamang ang taumbayan?
Minsa’y nais ko nang ibaba ang mapa
at palitan ng ibang lugar. ***

Pagnasa

(tugon sa nobelang Shanghai Baby ni Wei Hui)

Paeng Ferrer
12 Apr 2011


May kabiyak na lumbay ang gabi.
Ako ang banal na nagpintang itim ng magdamag.
Mistulang salamin ang kinang ng buwan –
magkatapat at baligtad ang paligid.

Mapanlinlang ang gabi.
Ibinibigay nito ang hilig mo
nang sa karaka’y malaman mong hindi mo na ito nais.

Pumanaog ako ng sasakyan
at naglakad pauwi.
Naulinigan ko ang alulong ng halimaw
sa kalye.
Pagdaka’y takot kong nasalubong ang masibang hayop.
Handa niyang punitin ang nanlalatang kalamnan ko.
Iniakma ko ang punyal sa puso niya.

Pero biglang nagbago ang hugis ng aswang.
Ikaw ba ang matimyas na Soltera
na may puspos at wagas na ngiti?
Totoong malungkot ang ngiti niya.

Pawang mga alitaptap ang ngiti
na magarang tingnan tuwing gabi
ngunit ‘di maaninag ang kislap sa umaga.

Dagling naglaho ang konsepto ko ng oras,
parang alingasngas na ‘di binibigyang puna.
Hinagap ko lamang ang natirang kumilos.
Bumubulong sa likod ng diwa ko ang paglihis.
Karnal, ikaw ay aking iniibig, karnal. ***

Thursday, March 31, 2011

Untitled 01 Apr 2011

ni Paeng Ferrer

Wala na akong maisulat sa ngayon.
Nalunod na ang aking sarili.

Ang pagtula ay tagumanak.
Lumalabas na ang sanggol
sa pwerta diretsong basura.
Dinadayo ng langaw ang sangsang.
Tondo, Payatas, Antipolo.
“Hindi pagdadalantao ang pagsusulat,
hindi rin siguro ito mabaho,”
dalumat ng mistulang pantas.
Ang negatibong pinarami
ng kapwa negatibo
ay magiging positibo
kaya’t positibo ang pagkatha.

Pakinggan ang katwiran kong balintunay,
hindi ka maligaya kung malumbay ka,
ayon sa sikolohiya’t istatistika.

Ipagpaumanhin mo ‘pagkat
may masidhing suliranin sa bahay
dahil sabug-sabog ang mga t-shirt ko sa tukador.
Itatwa mo ang sarili,
itatwa mo, Paeng, ang sarili
at mabubuhay ka nang matining,
mapayapang panganganak sa iyo.

Pero pwera siste,
ito ang totoo sa ngayon,
parati akong nangangamba,
takot akong mabigo.
Ano nga ba ang dahilan ng pagpupursige?

Lunes ng tanghali: opisina, bentilador,
bolpen at kwaderno.
May nagdadalantao. ***

Sunday, January 3, 2010

Pakikibagay ng Plastic Bag

Paeng Ferrer
(03 January 2010)

Sa ngayon, bilang manunulat,
hindi ko alam ang sasabihin.
Bakas pa ang mga kagat ko sa lapis.
Hugis plastic bag ang anino ko.
Puti. Tinangay ng hangin sa dagat.

Nakamamatay ang lamig
at nakaduduwag ang mga ligaw na hayop.
Ano ang ipinahihiwatig
ng mistulang malulupit na alon?
Na kasalanan ko?
Na 'di ako mahalaga?
O na maligaya siyang manlupig?

Sa ngayon, bilang mambabasa,
nakukumbinsi pa ako sa paliwanag
na maliit lamang ang tanaw ko.
Natatakot ako sa araw na hindi na
dahil sa ilalim ng dagat
ay lamig at dilim lamang.

Karamay ko ang mga bula.
Dinadala kung saan nais ng hangin,
ng bagyo, lindol, at mababangis na hayop.
Buong oras ko'y ukol sa ikinabubuhay.
'Di sa kinabukasan, identidad,
luwalhati, o pag-ibig.

Matututo raw akong mabuhay sa lamig
at ipaglaban ang makabuluhan.

Pasasaan ba't magiging tao muli ako.
Subalit sa ngayon, bilang plastic bag,
hindi ako magagapi ng tubig. ***

Saturday, October 17, 2009

Paeng's El Bimbo Variations*

El Bimbo Variation: Miguel Hernandez Version

I am the bison who's stiff to dance
And you are the vinyl bent by old age
But still prances with lightning.


The phonograph feasts at my sides
Turning the ox facile and pliant.
Paraluman is the knife stabbed at my heart.


Thunders agree with the blade
Like electric current torturing my being.
But we continue to dance, indeed we do. #


A translitic or Homophony is a sound-alike translation. It translates poetry regardless of the original's actual meaning. Its main concern is if the words sound alike.

El Bimbo Variation: Translitics or Homophony

Come!, you can mow. See forest loom land?
Noon time, you eye butterflies! #


N+7 is when you take 7th dictionary word from the original piece:

Mukha + 7 = Mula
Mo + 7 = Modernismo
Si + 7 = Sibol
Noon + 7 = Notisya
Tayo + 7 = Tayubasi
Ay + 7 = Ayon
Bata + 7 = Bataw
Pa + 7 = Pababa

El Bimbo Variation: N+7 Version

Ang modernismo ay bataw.
'Di gaya ng nauusong organik

na pamumuhay, kundi katulad
ng patola sa pulis patola
at kangkungan kung saan ito pupulutin.
Hindi rin ang layon ng moderno
kundi ang labis na tayubasing
kultura ng pagsang-ayon
sa pagtaas ng mataas
habang pababa nang pababa ang marami.
Na para bang ito'y notisya
o memo sa opisina
na 'di pwedeng suwayin
pagkat walang nagtatanong.

Nagmamalaki si amo't
marami siyang produkto.
Pero ang produkto'y sumisibol
sa lakas paggawa,
hindi mula sa kanya. #


El Bimbo Variation: Pablo Neruda Version

Aking kapatid ang huni ng fonografo
At parating kausap ang mga eskenita.
Nangyaring ako'y napagod sa mga santo,
Ermitanyo, kapilya, at mga simbahan.

Nasaan ka na o aking Paraluman?
Iyong bawiin ang lahat ng aking pag-aari
'Wag lamang ang pagdulas ng aking kamay
Sa iyong makikinis na braso.

Kung ako'y iyong lilisani't lilimutin,
Aking mas nais na ika'y madaganan ng karwahe.
Marubdob, na sa iyong pagkamatay,
Kapares nito'y pagkitil sa aking buhay. #


El Bimbo Variation: Cut Up Version


*Inspired by Adam David's El Bimbo Variations: 99 Versions of a Line

I couldn't find the direct link to Adam David's El Bimbo Variations. You can google it. Just type PDF El Bimbo Variations. Or you can see his blog at wasaaak.blogspot.com

Saturday, September 12, 2009

untitled: Cut up Poem

A Cut up Poem is a piece written using selected words. These words are chosen from a newspaper article. The author browses or scans a news item. He/she encircles terms that strike him/her. Finally, he/she composes a poem using the gathered words.

Usually, writers sound the same when their various outputs are compared. Authors utilize this writing exercise for them to step out of their "writing boxes". It allows them to think of words and phrases they wouldn't normally come up with.


untitled: Cut up Poem

Paeng Ferrer

12 Sept. 09


My closest friend,
we reside in tribes
that are similar,
but mostly different.
The unemployed is my tribe.
I am unreached
from these brutal treks
and broken bridges.
You are the nation's hero.
Your trite monument remains
proud through weathers.

But sometimes we switch.
I am the hero and you are the unwaged.
The knots in my varicose veins
are like your exhausted schedule
that alienates me.

Then, we switch again.
Your weary stance remains.
I merely stare and think,
knowing that I think too much
which, most of the time,
amounts to no more than a void.
I feel humiliated for a little while.

Still, I know you are genuine.
Oh, how your compassion
is breaking my suffering.#

Three Second Addiction: Cut up Poem

Paeng Ferrer
12 Sept. 09

Like reruns of a slideshow,
I memorize your imperfect crevices,
smiles, and beauties.
Tell me, best as you can,
give the order & I will never stop.
Your syllables make me alert
for three seconds.
I'm addicted, yes,... I realize.
What, then, is the corresponding sequence?
I delight another three seconds.
I delight another three seconds.
Online memories
and memory-based psychologies
of intimacy and limerence.
I delight another three seconds.#

Monday, August 24, 2009

Para sa Isang Kalakbay

Paeng Ferrer
(21 Aug 09)

Umaatras ang aking lakas ng loob
tuwing 'di ka mahagilap.
Tulad ng lagusang 'di nauubos.
Saan na nga ba ako tutungo?

Nananamlay ang mga binti ko
at bumubulagta ako sa sulok
upang magpahinga.
Nasasaid na ang baong tubig
at kumukurap ang munting sulo.
Napapagal din pala ang ilaw.

Totoo nga ba ang naririnig

na mga halakhak sa labas?
Nawa'y 'di guni-guni't bangungot.

Ginigising ako ng realidad

sa kweba. Mga ahas, gagamba,
paniki, daga, at alupihan.

Tiyak nga ba ang distansya?

Kinukwenta at sinusukat?
Malapit ka kung malapit
at malayo kung malayo?
O anong layo mo ngayon.

Kay sayang pangarap ang paglaya!

Pinakikinggan natin ang ingay
at galak ng mga tao sa labas.

Isa kang hamog dito sa kuweba.

Nagpapatunay sa halaga ng pag-asa
ang pagdampi mo sa mga uhaw kong labi.

Siguro'y mahaba pa ang lagusan

subalit nararamdaman ko
na matagal pa ang kakayahan kong kumilos,
sumulong, lumaban.

Ikaw ang aking tagapagligtas.

Oo,... ikaw ang aking salbasyon. #