Friday, August 17, 2012

“Na-gets ko ‘yun boy pickup*”


Nakitadyak ka na ba ng ubod nang lakas
sa kinuyog na kawawang snatcher
para lang ilabas ang galit
nang mabasted?

Napasigaw ka na ba ng Boom!
para lumayas ang katahimikan
dahil dial tone lang ang sumagot
nang winika mong aylabyu?

Boom!

Nakisali ka na ba
sa mga rally para sa environment
kahit amoy basura naman ang kwarto mo
kasi ini-stalk mo si Caileigh
na myembro ng grupong Grimpis?
Boom!

Uminom ka na ba
ng 20 tasa ng kape sa isang araw
pero pakiramdam mo tulog ka pa rin
at walang hanggang binabangungot?
Boom!

Sumayaw ka na ba
ng "Who run the world"
kasi ang saya-saya
ng viral video ni Angelica, Camille, at Melay
at akala mo liligaya ka rin
kapag ginaya mo sila?
"Sino ba'ng niloloko mo?"
tanong mo sa sarili.
Dagling bumaligtad ang ngiti
at nagbuntong-hininga.
Boom!

Nagpakalat-kalat ka na ba
sa SM Fairview kahit alas-10 pa lang ng umaga
at kakabukas pa lang ng gate,
kahit binoboykot mo ang mall
dahil nagputol umano sila ng pine trees sa Baguio,
habang nakikinig ka sa kantang "esem" ni Dong Abay
at iniisip mo kung anong banda siya galing,
Yano ba o Pan,
sa i-pod mong gusto mong ipamigay
dahil lalo mo lang naaalala si Caileigh
na nagturo sa iyong mag-gitara,
at nanood ng love story
para manatiling kumakapit sa paniniwala
sa kadakilaan ng pag-ibig
ni Derek Ramsey at Anne Curtis?

Saka mo sinabi nang malakas
dahil naka-earphone ka,
"Sana pine tree na lang ako
para 'di na naiinlab.
Masakit sa puso eh.
Boom!" ***

____________________
* Ang pamagat ay mula sa Bubble Gang

Sinubukan ko lang gayahin ang tunog nila Bob Ong at Eros S. Atalia. Kung hindi epektibo, okay lang. Experiment lang naman, 'di ba? :-)

4 comments:

  1. epektibo naman po sir. hehe. may sariling katangian ang inyong tula. malungkot. maganda. hehe. :)

    ReplyDelete
  2. Salamat Pam! In-add kita sa circles ko sa google+ Saka kung may blog ka bigyan mo ako ng link.

    ReplyDelete
  3. Haha. Mukhang ganito nga ma-inlab at mabigo sa gitna ng kulturang popular. Mahusay ang tula, Paeng. smiley

    ReplyDelete
  4. wala pa po akong blog. siguro gawa po ako when I turned 16. haha. maybe it will be something like this blog, karamihan poems ang nakalagay. :) ahm, inactive po ako sa google+ pero thanks po sa add. :)

    ReplyDelete