Showing posts with label Poems. Show all posts
Showing posts with label Poems. Show all posts

Saturday, October 29, 2016

"Tracks"

Writing prompt with Pamela Mendoza:

There's a large rat in my kitchen.

There are numerous roads
but not all can be crossed.
You trespass others.
Numerous acts are not allowed!
Numerous wounds!

It is dark. I carry a dying torch.
It takes too long.
A lengthy journey.

My room's a mess!
Where? How? When?

Meaninglessness?
Nothing!
Where? When? How?

Come! Left! Halt!
Forward! Right! Walk back!

Meaninglessness-
with "mean" as lexical unit
that also sounds like the term
to denote cruelty or evil,
I just realized.

The previous revolution subsides
while I wait for the next to come.
But in between
is the most grueling portion.
Nothing is emerging.
Nothing changes.
I do not notice
because I'm busy searching for direction.
Where? When? How?
How? When? Where?

Not all roads are free.
Rabid dogs stalk me
with confused minds
and sharp fangs. ***

Sunday, September 2, 2012

Thesis Proposal


Sumulat ako ng tula noong nakaraang semestre. Habang gumagawa ng thesis proposal. Bangag ako nun. Hanggang ngayon gumagawa pa rin ako ng thesis proposal. Para ito sa mga nagti-THESIS.

"Thesis Proposal"
ni Paeng Ferrer
March 8, 2012

Gusto ko sanang sumulat ng tula
at ito ang una, huli, at tanging linya:
"Tambak na'ng hugasan sa lababo
maski 'di pa hapunan."

_____________________________
Maiksi at nakakatawa sana ang gusto kong emosyong lumabas. Kumbaga parang joke na may punchline. O kaya parang isang stanza sa blues. Pero parang malungkot yata ang lumitaw.

Thursday, August 23, 2012

Orangy Neon Orange


I found an old childhood photo
of me cheerfully sitting on my dad's lap.
The image leaks a carroty color.
"Where are my crayons?"
I probably appealed from him.

If jazz music would have a hue,
it would be orange
like the shade of cigarette smoke
rising into a dim light
that turns into orangy musical notes
while Peyroux's “Dance me to the end of Love”
plays in the background.

My mind takes a trip
with a gentle orange highlighter
like dipping a whole page in neon paint
and unlocks my intellect into new cosmic distances.
I am the auburn book.

My car has orange lights
that warn other drivers
whether my body is turning left or right.
It also cautions when I’m in trouble.
“We know where you are heading
and we would not get in the way,”
the other motorists would say.
Orange illuminates direction.

Misdirection, on the other hand,
confuses my opponents
with intense orange hand wraps.
Do I win? Not surprisingly, nope,
but neither do I lose.
We’re both in bad shape,
I unleash 3-punch combos everywhere
while my rival counters most of them,
but we endure the exchange throughout the night.
We live in a square boxing ring.

I relax with orange tea.
It is a bundle of fresh herbs
cooked to a concoction.
It is like a masseuse
who touches my tongue.
It rubs out stress
and incapacitates me to euphoria.
My shadow shows a blissful figure.

A library, my boxing gloves,
sunflowers, a fruit, and a bag…
my entire world is a perky orange.

Self-actualization is a radical orange.
Don’t you ever try to erase it in my universe. ***


My orange hand wraps

Friday, August 17, 2012

“Na-gets ko ‘yun boy pickup*”


Nakitadyak ka na ba ng ubod nang lakas
sa kinuyog na kawawang snatcher
para lang ilabas ang galit
nang mabasted?

Napasigaw ka na ba ng Boom!
para lumayas ang katahimikan
dahil dial tone lang ang sumagot
nang winika mong aylabyu?

Boom!

Nakisali ka na ba
sa mga rally para sa environment
kahit amoy basura naman ang kwarto mo
kasi ini-stalk mo si Caileigh
na myembro ng grupong Grimpis?
Boom!

Uminom ka na ba
ng 20 tasa ng kape sa isang araw
pero pakiramdam mo tulog ka pa rin
at walang hanggang binabangungot?
Boom!

Sumayaw ka na ba
ng "Who run the world"
kasi ang saya-saya
ng viral video ni Angelica, Camille, at Melay
at akala mo liligaya ka rin
kapag ginaya mo sila?
"Sino ba'ng niloloko mo?"
tanong mo sa sarili.
Dagling bumaligtad ang ngiti
at nagbuntong-hininga.
Boom!

Nagpakalat-kalat ka na ba
sa SM Fairview kahit alas-10 pa lang ng umaga
at kakabukas pa lang ng gate,
kahit binoboykot mo ang mall
dahil nagputol umano sila ng pine trees sa Baguio,
habang nakikinig ka sa kantang "esem" ni Dong Abay
at iniisip mo kung anong banda siya galing,
Yano ba o Pan,
sa i-pod mong gusto mong ipamigay
dahil lalo mo lang naaalala si Caileigh
na nagturo sa iyong mag-gitara,
at nanood ng love story
para manatiling kumakapit sa paniniwala
sa kadakilaan ng pag-ibig
ni Derek Ramsey at Anne Curtis?

Saka mo sinabi nang malakas
dahil naka-earphone ka,
"Sana pine tree na lang ako
para 'di na naiinlab.
Masakit sa puso eh.
Boom!" ***

____________________
* Ang pamagat ay mula sa Bubble Gang

Sinubukan ko lang gayahin ang tunog nila Bob Ong at Eros S. Atalia. Kung hindi epektibo, okay lang. Experiment lang naman, 'di ba? :-)

Saturday, June 30, 2012

Ang Sayaw ng Alikabok


Paeng Ferrer
27 June 2012
     
     
Nakatitig sa akin ang mga aklat.
May humuhudyat na tren sa 'di kalayuan.
Sinipat ko ang bintana.
Gabi na pala.
     
Dalawang taon na lang,
dalawang mabagal na taon.
     
Ako ang alikabok sa saklob ng aklat.
Ako rin ang salaring 'di pumagpag sa alikabok.
Kasi tinatamad.
Kasi marami pang pangarap.
     
Gustong mag-aral sa ibang bansa.
Gustong magturo sa ibang bansa.
Linisin ko raw muna ang alikabok.
     
Hindi pa ako masterado.
Tiningnan kong muli ang mga inaamag na aklat.
Nakatunganga at nawiwili ako sa tugtugin ng tren.
     
Potensyal na masterado.
Potensyal na mag-aaral sa dayuhang lupa.
Potensyal na guro.
Potensyal, pero 'di aktwal.
     
Nagsasayaw ako. ***

Thursday, March 31, 2011

Untitled 01 Apr 2011

ni Paeng Ferrer

Wala na akong maisulat sa ngayon.
Nalunod na ang aking sarili.

Ang pagtula ay tagumanak.
Lumalabas na ang sanggol
sa pwerta diretsong basura.
Dinadayo ng langaw ang sangsang.
Tondo, Payatas, Antipolo.
“Hindi pagdadalantao ang pagsusulat,
hindi rin siguro ito mabaho,”
dalumat ng mistulang pantas.
Ang negatibong pinarami
ng kapwa negatibo
ay magiging positibo
kaya’t positibo ang pagkatha.

Pakinggan ang katwiran kong balintunay,
hindi ka maligaya kung malumbay ka,
ayon sa sikolohiya’t istatistika.

Ipagpaumanhin mo ‘pagkat
may masidhing suliranin sa bahay
dahil sabug-sabog ang mga t-shirt ko sa tukador.
Itatwa mo ang sarili,
itatwa mo, Paeng, ang sarili
at mabubuhay ka nang matining,
mapayapang panganganak sa iyo.

Pero pwera siste,
ito ang totoo sa ngayon,
parati akong nangangamba,
takot akong mabigo.
Ano nga ba ang dahilan ng pagpupursige?

Lunes ng tanghali: opisina, bentilador,
bolpen at kwaderno.
May nagdadalantao. ***

Saturday, September 12, 2009

Three Second Addiction: Cut up Poem

Paeng Ferrer
12 Sept. 09

Like reruns of a slideshow,
I memorize your imperfect crevices,
smiles, and beauties.
Tell me, best as you can,
give the order & I will never stop.
Your syllables make me alert
for three seconds.
I'm addicted, yes,... I realize.
What, then, is the corresponding sequence?
I delight another three seconds.
I delight another three seconds.
Online memories
and memory-based psychologies
of intimacy and limerence.
I delight another three seconds.#

Thursday, July 30, 2009

Untitled 31 July 09

Paeng Ferrer

Nagsasawa na ako sa dagat.
Hindi na ako pinatutula nito.
Natutuyo ang tubig
at nagkukulay itim ang lahat.

Sa loob ng bahay,
nasusuya ang pamilya ko
sa humuhuning pampang.
Tulad ng ingay ng tuko o kuliglig,
hindi iniuugnay sa kanila.
Mas nais pa nilang minamasdan ang hinawan
kaysa mga alon.

Masasabi ko bang inosente ang dagat
kung pinipili nitong lumayo?
Nananalig ang tao sa artipisyal,
paimbabaw, at lumilipas.

Nasusurpresa ako,
nagsasawa na ako sa dagat,
lumilipas lamang ito sa akin.
Nagpapatianod.
Hindi diyos ang binubuong pamilya.
Iba ang pagpapabaya,
iba ang pagpapaubaya. #

Natrapik na Pag-unlad: Tanaga

Paeng Ferrer
27 July 09

Kay bagal nitong trapik.
Tumigil ang hagikhik.
Nginangasab na kornik,
lalamuna'y siniksik.

Sampung ulit nabasa
babalang mahalaga:
Ibabayad na pera
barya lang sa umaga

Sino’ng itim na lubos
sa tambutsong nagtuos
ng higanteng mga bus?
Baga’y kalunus-lunos.

Sumisikip ang kalye
‘pagkat maraming kotse.
Sampu ang kay alkalde,
daan sa presidente.

Nakabunggo’y tumakbo.
Sa gitnang kalye’y sino
ang bumulagtang tao?
Bangkay na ang obrero. #

Thursday, April 23, 2009

untitled 2

8:00PM December 21, 2007

Aking ikinalulungkot na aking 'di matiis
ang sa buhay ay maging isang alipin.
Pati buwa'y pumipiglas na sa araw ay lumitaw,
hangi'y sumisigaw na sa kakahuya'y tumagos.

Ngayong gabi'y nilikha ko,
karamihan sa natatanaw ko.
Kaydingal ng mundo kung malaya ako.
Sa dulo ba'y walang saysay ang mga kinatha ko?

Sa loob ng balikat ko,
may nabubuhay at pumipiglas.
Bibitawan ko ang pasan-pasan 'pagkat
humiwalay ang kaluluwa ko sa hanapbuhay.

Darating ba ang panahong lalawak ang tanaw ko?
Guguho bawat kilalang kultura,
at 'di na pamilyar ang buhay.
Sisikat ang buwa'y kay aga. ***

untitled





















2:05am, 11 Disyembre 2007

Aking ikinalulungkot na ang buhay ay 'di isang alipin.
Ako ma'y maging pinuno ng tao ngunit 'di ng panahon.
Lupa ma'y aking trabahador, ang pagkakatao'y hindi.
Akin mang masdan ang bitui'y ako'y 'di nila lilingain.

Pinuputol ng hangin ang mga alambre sa payong ko
at iniuutos ng ulap na mababad ako sa ulan.
Sa aking harap ay landas na libu-libo ang tumambad.
May eroplanong sumisigaw - aking tahana'y may kalayuan. ***