Saturday, November 10, 2012

Ligalig




















May patay na hipon
na nakatiwangwang sa aspalto.
Bumagsak kaya ito galing
sa huli ng hamak na mangingisda?
Maputla at nilalanggam.

Kanina pa may bumabagabag
na tanong sa akin,
"Anong oras darating ang sundo namin?"
Dalawampung minuto ang wika n'ya
ngunit isang oras na ang nakalipas.

Bakit kumikintab ang dagat
na parang bagong hasang itak?
May natatanaw akong balsa sa malayo
o baka iyo’y isang bangkay na nalunod.

Gaano ba kalayo ang islang
kinaroroonan ko?
Sa pagkakaalala ko
dalawang oras na maneho
at 30 minutong sagwan
hanggang dito.

Maitim ba ang langit dahil gabi
o may nagbabantang bagyo?

Inisip ko, mabuti at may kakwentuhan ako.
Sila nga ba'y dalawang guro,
dalawang syentista, at tatlong pulitiko?
Nasa loob kami ng isang silid
dito sa gitna ng pampang.

Sandali, saan siya nagmula?
Ang madreng nakaitim
na talukbong ang tinutukoy ko
sa kulay abong buhangin?
Karaka'y lumuhod at dinasalan
ng Latin ang dagat
na mistulang nitso sa sementeryo.
Pagdaka'y tumitig sa akin.
Ngunit bakit tumagos ang tingin niya?
Pawang 'di niya ako nakita?
Nagkulay dugo ang anino ko.

Sa kabilang gilid ng pampang,
narinig ko ang ungol
ng musang sa kakahuyan.
Marahil nagmamasid at nag-aabang
sa likod ng kawayan
para sa pagkakataong
sagpangin ako.

Anong oras darating ang sundo namin?
Isang oras at kalahati na ang lumipas.
Madilim na ang dagat.

Kailan makukumpleto ang putol
na tulay patawid sa ibayo?
Sabi nila, "May mga buwayang
nag-aabang sa gilid kung bumaha."
Kasama nila ang engkanto ng putik
na mahilig paglaruan ang dayuhan.
Kahit ilang barya ang ihulog,
putol din ang mga linya
ng telepono rito.

Bakit kung kailan walang trabaho
ay sarado ang establisyamento sa pulo?
Ayaw bang kumita ng pera ng lokal?
Bakit nakatarangka ang pinto
gayong pakiramdam ko'y may tao sa loob?
Nasusuklam ba sila sa amin?
Sabado nga ba ngayon? O Myerkules?

Bakit hindi ko matandaan?

Bakit hindi ko matandaan
ang mahigpit na habilin
ng sundo namin,
"Wala nang balsa paalis ng isla
'pag lipas ng ika-5."

O ika-6?
Kung walang balsa,
sa isla magpalipas ng magdamag.

Ang pinakanakapangririmarim
ay ang pakiramdam
na wala akong magawa
kundi magmatyag at magtago
sa likod ng dambuhalang bato.
Ano'ng iwinika noong madre?

Paano binuhat ng langgam
ang patay na sugpo?

Bakit hindi ko matandaan
ang pangalan ng mga kasama ko?
Hindi ko rin maalala kung nasaan sila.

Mag-isa lang ba ako?

Anong oras darating ang sundo ko?
Dalawang oras na ang nakalipas.
Nagsimula nang umambon.
Palakas nang palakas.
May balsa pa kaya paalis ng isla? ***

                                        - Paeng Ferrer
                                          Pulau Aman Penang, Malaysia

Thursday, October 25, 2012

Outlooks


Paeng Ferrer
October 25, 2012

“The world is change; life is opinion”
                                         - Democritus

Perhaps I’m the type of person
who gets nowhere.

I imagine that my destination secretly gleams
for I’ve obtained something, possibly,
sometime, over the distance
but it is more mournful.

If reality is atoms and energy
then I am space.
I cannot ascertain what I am,
like an inquiry in abeyance. 
Am I an error?

I stay in lifeless places:
my room, 6th street, and a dilapidated mall.

My 200 word abstract weeps
because I give no conclusion
nor recommendation.
I merely have questions
and crumpled data.

Maybe it’s because I’m not just delayed
but rather I’m stuck.
I am suddenly surrounded by dusk
but I am numb to it.

Should I continue writing?
Was I even writing before?
I don’t remember.
My room remains barren.

My thesis is more like an outdated phonebook.
People cut it into pieces
to turn into ugly paper maché.
They’d rather have an unusual interior design
so as not to waste paper
but they’d readily throw away data.

If the dilapidated mall would collapse,
would I dig myself underneath it
just to get somewhere?
Would I short circuit my laptop
and devour its hard drive?

I cannot survive on opinions
but they taste better than microchips.

At least I’d accomplish something.
I’d be the first person to consume a computer. #

Sunday, September 2, 2012

Thesis Proposal


Sumulat ako ng tula noong nakaraang semestre. Habang gumagawa ng thesis proposal. Bangag ako nun. Hanggang ngayon gumagawa pa rin ako ng thesis proposal. Para ito sa mga nagti-THESIS.

"Thesis Proposal"
ni Paeng Ferrer
March 8, 2012

Gusto ko sanang sumulat ng tula
at ito ang una, huli, at tanging linya:
"Tambak na'ng hugasan sa lababo
maski 'di pa hapunan."

_____________________________
Maiksi at nakakatawa sana ang gusto kong emosyong lumabas. Kumbaga parang joke na may punchline. O kaya parang isang stanza sa blues. Pero parang malungkot yata ang lumitaw.

Thursday, August 23, 2012

Orangy Neon Orange


I found an old childhood photo
of me cheerfully sitting on my dad's lap.
The image leaks a carroty color.
"Where are my crayons?"
I probably appealed from him.

If jazz music would have a hue,
it would be orange
like the shade of cigarette smoke
rising into a dim light
that turns into orangy musical notes
while Peyroux's “Dance me to the end of Love”
plays in the background.

My mind takes a trip
with a gentle orange highlighter
like dipping a whole page in neon paint
and unlocks my intellect into new cosmic distances.
I am the auburn book.

My car has orange lights
that warn other drivers
whether my body is turning left or right.
It also cautions when I’m in trouble.
“We know where you are heading
and we would not get in the way,”
the other motorists would say.
Orange illuminates direction.

Misdirection, on the other hand,
confuses my opponents
with intense orange hand wraps.
Do I win? Not surprisingly, nope,
but neither do I lose.
We’re both in bad shape,
I unleash 3-punch combos everywhere
while my rival counters most of them,
but we endure the exchange throughout the night.
We live in a square boxing ring.

I relax with orange tea.
It is a bundle of fresh herbs
cooked to a concoction.
It is like a masseuse
who touches my tongue.
It rubs out stress
and incapacitates me to euphoria.
My shadow shows a blissful figure.

A library, my boxing gloves,
sunflowers, a fruit, and a bag…
my entire world is a perky orange.

Self-actualization is a radical orange.
Don’t you ever try to erase it in my universe. ***


My orange hand wraps

Friday, August 17, 2012

“Na-gets ko ‘yun boy pickup*”


Nakitadyak ka na ba ng ubod nang lakas
sa kinuyog na kawawang snatcher
para lang ilabas ang galit
nang mabasted?

Napasigaw ka na ba ng Boom!
para lumayas ang katahimikan
dahil dial tone lang ang sumagot
nang winika mong aylabyu?

Boom!

Nakisali ka na ba
sa mga rally para sa environment
kahit amoy basura naman ang kwarto mo
kasi ini-stalk mo si Caileigh
na myembro ng grupong Grimpis?
Boom!

Uminom ka na ba
ng 20 tasa ng kape sa isang araw
pero pakiramdam mo tulog ka pa rin
at walang hanggang binabangungot?
Boom!

Sumayaw ka na ba
ng "Who run the world"
kasi ang saya-saya
ng viral video ni Angelica, Camille, at Melay
at akala mo liligaya ka rin
kapag ginaya mo sila?
"Sino ba'ng niloloko mo?"
tanong mo sa sarili.
Dagling bumaligtad ang ngiti
at nagbuntong-hininga.
Boom!

Nagpakalat-kalat ka na ba
sa SM Fairview kahit alas-10 pa lang ng umaga
at kakabukas pa lang ng gate,
kahit binoboykot mo ang mall
dahil nagputol umano sila ng pine trees sa Baguio,
habang nakikinig ka sa kantang "esem" ni Dong Abay
at iniisip mo kung anong banda siya galing,
Yano ba o Pan,
sa i-pod mong gusto mong ipamigay
dahil lalo mo lang naaalala si Caileigh
na nagturo sa iyong mag-gitara,
at nanood ng love story
para manatiling kumakapit sa paniniwala
sa kadakilaan ng pag-ibig
ni Derek Ramsey at Anne Curtis?

Saka mo sinabi nang malakas
dahil naka-earphone ka,
"Sana pine tree na lang ako
para 'di na naiinlab.
Masakit sa puso eh.
Boom!" ***

____________________
* Ang pamagat ay mula sa Bubble Gang

Sinubukan ko lang gayahin ang tunog nila Bob Ong at Eros S. Atalia. Kung hindi epektibo, okay lang. Experiment lang naman, 'di ba? :-)

Saturday, June 30, 2012

Ang Sayaw ng Alikabok


Paeng Ferrer
27 June 2012
     
     
Nakatitig sa akin ang mga aklat.
May humuhudyat na tren sa 'di kalayuan.
Sinipat ko ang bintana.
Gabi na pala.
     
Dalawang taon na lang,
dalawang mabagal na taon.
     
Ako ang alikabok sa saklob ng aklat.
Ako rin ang salaring 'di pumagpag sa alikabok.
Kasi tinatamad.
Kasi marami pang pangarap.
     
Gustong mag-aral sa ibang bansa.
Gustong magturo sa ibang bansa.
Linisin ko raw muna ang alikabok.
     
Hindi pa ako masterado.
Tiningnan kong muli ang mga inaamag na aklat.
Nakatunganga at nawiwili ako sa tugtugin ng tren.
     
Potensyal na masterado.
Potensyal na mag-aaral sa dayuhang lupa.
Potensyal na guro.
Potensyal, pero 'di aktwal.
     
Nagsasayaw ako. ***