Monday, November 20, 2017

Gamit lamang ang isang patalim

November 20, 2017

"Ang pagkakamali ay tulad ng kutsilyo,
na sakali ay maglingkod o sumugat sa atin,
kung sa talim o sa hawakan kumapit." - James Russell Lowell

Natatangi pa rin ang pandinig mo.

Siguro naalala mo
ang nabasang kwento sa peryodiko
ng isang lalaking lumikha ng liyab,
tahanan, at nangaso
nang maiwang mag-isa sa gubat
at nakaligtas gamit lamang ang isang patalim.

Madaling-araw noon
nang natanaw kita mula sa bintana
na inihain ang bagong aning singkamas
mula sa halamanan
pero nakatanga sa malayo
habang binabalatan
gamit lamang ang isang patalim
nang may pumatak na dugo.

Itinapon mo ang balat sa sulok
nang hindi inisip kung tutubong muli
o mabubulok na lamang paglipas ng oras.

Lumingon ka pabalik sa bintana,
pabalik sa akin,
kaya't alam kong narining mo,
pero sino ang makaririnig sa akin?

Wala kang pulbos ngayon, walang lipistik.
Mahigpit ang hawak sa punyal.

Mahina kang umimik, "Dito na magwawakas."

Saturday, October 29, 2016

"Tracks"

Writing prompt with Pamela Mendoza:

There's a large rat in my kitchen.

There are numerous roads
but not all can be crossed.
You trespass others.
Numerous acts are not allowed!
Numerous wounds!

It is dark. I carry a dying torch.
It takes too long.
A lengthy journey.

My room's a mess!
Where? How? When?

Meaninglessness?
Nothing!
Where? When? How?

Come! Left! Halt!
Forward! Right! Walk back!

Meaninglessness-
with "mean" as lexical unit
that also sounds like the term
to denote cruelty or evil,
I just realized.

The previous revolution subsides
while I wait for the next to come.
But in between
is the most grueling portion.
Nothing is emerging.
Nothing changes.
I do not notice
because I'm busy searching for direction.
Where? When? How?
How? When? Where?

Not all roads are free.
Rabid dogs stalk me
with confused minds
and sharp fangs. ***

Friday, December 20, 2013

(Walang Pamagat)

Paeng Ferrer
20 Dec 2013


Isang hilera ng bagong kotse:
Mustang, Chevrolet, at Porsche.
Ang ingay ng andar nila!

Nawa’y naalala mo pa
ang isang tanghaling dinala kita sa Tagaytay.
Nayamot ka sa windshield kong dilaw
at sa lumagitik na D13B2 kong makina.
Pero nakarating pa rin tayo
at masaya akong minasdan ka sa zip line
habang papalubog ang araw.

Pero parang palaging gabi rito sa garahe.
Naisip ko,
“Matulungin pala ang dilim.
Ikinukubli ang kalawang ko.”

Ang ingay ng andar nila!

Ako ang despalinghadong kotse
na hindi na isinasama sa byahe.

Siguro nga masaya kang sumama sa ibang sasakyan.
Sa 'di kalayuan, mayabang na umarangkada
ang isang bagong kotse sa kalsada.

Hindi ko na kayo narinig.
Naglaho sa dulo ng daan nang gabing iyon. ***

Wednesday, October 30, 2013

Hindi ko Inakala 'Yon: Revision

(I just revised a poem I wrote last April.)


Paeng Ferrer


Hindi ko inakala 'yon.

Dumungaw ako sa labas ng bintana.
Tanghaling tapat
at patuloy sa pagkalaykay ng kayle
ang mga manggagawa
ngunit hindi ko naririnig.
Pawang lumang pelikula
na mabagal at walang tunog.

'Di lumagos ang ilaw papasok
sa silid sapagkat maitim na asul
at makapal ang kurtina.

Mabangis ang lungkot
pagkat 'di na ako nasanay.
"Hindi na ito mauulit,"
pangako ko sa sarili.
Huling beses nang malulumbay.

Sa loob ng silid,
kausap ko ang upuan.
Matagal kaming nag-usap.
Matagal din kaming tumahimik.

Matindi ang init.
Wala akong hawak
pero nakakuyom nang mahigpit
ang palad.

Bakit nangangako sa sarili
kung alam kong malabong tuparin?
Paano nakuhang magsinungaling sa sarili?
Bakit 'di nabisto ang sarili
nang sinabing, "ayoko sa 'yo?"

Di pa rin tayo natatapos
magtalo sa mga maliliit na bagay.

Ngayon, hindi na ako ang kasama mo.
Bakit nga ba
hindi ko inakala 'yon?
Hindi ko napaghandaan.

Gumising akong wala ka. 
Nagtutuos kami ng upuan -
talo ang unang magsalita.
Hanggang inabot kami ng gabi
Umuwi na ang mga manggagawa
pero 'di pa tapos ang kalsada. ***

Bahag-hari sa Cubao

I just translated the poem "Rainbows in Cubao" (see below) in Filipino

Paeng Ferrer
29 Oct 2013

"We're born alone, we live alone, we die alone.
Only through our love and friendship can we create the illusion
for the moment that we're not alone." - Orson Welles


Nahalina ako ng kumikislap na laruang

de-kuryente. Marahil Made in China
na may tau-tauhang kenkoy na nakadikit sa tuktok.

Mga mabababaw na bagay na matatagpuan
sa maruming kanto ng Cubao,
lalo na ‘pag gabi.

Bunga ng inggit, mula sa laruan
o marahil mula sa kasiyahan niya,
binugahan ko siya ng makapal na usok
galing sa yosing bitbit ko buong araw.
Umiyak siya sa pangamba.
Hindi ako humingi ng paumanhin.

Isang mumurahing artipisyal na bahag-hari
sa kamay ng isang batang babae
pero tunay na maligaya siya.

Hinampas mo ako sa balikat
para ipaalala ang asal ko.

Hindi ako kumilos
ni isang pintig
kasi nagiging kulog ang isang munting tibok
tuwing hindi umiimik ang lahat.

Ipagpaumanhin mo kung maalikabok ang bahay ko.
Ako ang alikabok pero hindi ka pwedeng hikain.

Bakit kinalilimutan ng tao ang malasakit
gayong ito ang tanging katotohanang
nakapang-aakit at puno ng pag-asa?
Ano’ng paki ko?

Umuwi ako sa maalikabok na bahay
at itinarangka ang pinto ng kadenang umuugoy
na hindi ko na nais buksan kailanpaman.

Tinitigan mo ang kalsada
at niyakap ng mahigpit ang abasto
na parang kasing-irog mong
nag-aabang ng bus.

Marahil maligaya ka rin,
tulad ng lumuluhang paslit,
nang sumakay sa bus.

Nagtatakang tumitig sa akin ang tindero.
Binigyan ko siya ng 50 piso
kapalit ng walang kapararakang laruan
at iniabot sa iyo.
Magalang kang tumanggi.

Ano’ng paki ko?
Maalikabok pa rin ang bahay ko.
Nambubwisit pa rin ang patay-sinding laruan
habang itinatapon ko ang sigarilyo.
Tinitigan ko ang pinto
kung saan idinuduyan pa rin ang kadena.
Iumpog ang ulo sa hawakan! #

Monday, October 28, 2013

Rainbows in Cubao

Paeng Ferrer
28 Oct 2013


"We're born alone, we live alone, we die alone.
Only through our love and friendship can we create the illusion
for the moment that we're not alone." - Orson Welles


The blinking lights from that cheap toy
put me in a trance.
It was probably made in China
with a cartoon character perched on top.

The trivial things you find
in the messy streets of Cubao,
especially at night.

Out of envy, from the toy
or perhaps from her happiness,
I let out a thick streak of smoke to her face
from the cig I've been carrying all day.
She wept fear. I didn't apologize.

What a cheap electronic imitation of rainbows
in the hands of a child
but it made her eternally blissful.

You thumped me on the shoulders
reminding me of my morals.

I didn't even move,
not a single heart beat
because a tiny throb becomes thunderous
when everyone else says nothing.

I’m sorry if my house needs dusting.
I am dust and you must take care of asthma attacks.

Why do people neglect to care
even though it is the only truth
that is exquisite and hopeful?
See if I care.

So I went to my dusty lodging and locked the door
with a pendulum chain
that I prefer never to open once more.

You just stared at the roads
and clutched your bag tightly like a lover
waiting for your bus.

I guess you're happy too,
just like that toddler in tears,
when you hopped on your ride.

Puzzled, the vendor gazed at me.
I gave him 50 bucks
for that tasteless toy
and handed it to you.
You refused politely.

See if I care.
My house endures dust.
The flashing plaything persists to annoy
while I throw away my cigarettes.
I stare at the door,
where the sliding chain still swings,
and bang my head on the doorknob! #

Saturday, September 21, 2013