Paeng Ferrer
Nagsasawa na ako sa dagat.
Hindi na ako pinatutula nito.
Natutuyo ang tubig
at nagkukulay itim ang lahat.
Sa loob ng bahay,
nasusuya ang pamilya ko
sa humuhuning pampang.
Tulad ng ingay ng tuko o kuliglig,
hindi iniuugnay sa kanila.
Mas nais pa nilang minamasdan ang hinawan
kaysa mga alon.
Masasabi ko bang inosente ang dagat
kung pinipili nitong lumayo?
Nananalig ang tao sa artipisyal,
paimbabaw, at lumilipas.
Nasusurpresa ako,
nagsasawa na ako sa dagat,
lumilipas lamang ito sa akin.
Nagpapatianod.
Hindi diyos ang binubuong pamilya.
Iba ang pagpapabaya,
iba ang pagpapaubaya. #
Thursday, July 30, 2009
Natrapik na Pag-unlad: Tanaga
Paeng Ferrer
27 July 09
Kay bagal nitong trapik.
Tumigil ang hagikhik.
Nginangasab na kornik,
lalamuna'y siniksik.
Sampung ulit nabasa
babalang mahalaga:
Ibabayad na pera
barya lang sa umaga
Sino’ng itim na lubos
sa tambutsong nagtuos
ng higanteng mga bus?
Baga’y kalunus-lunos.
Sumisikip ang kalye
‘pagkat maraming kotse.
Sampu ang kay alkalde,
daan sa presidente.
Nakabunggo’y tumakbo.
Sa gitnang kalye’y sino
ang bumulagtang tao?
Bangkay na ang obrero. #
27 July 09
Kay bagal nitong trapik.
Tumigil ang hagikhik.
Nginangasab na kornik,
lalamuna'y siniksik.
Sampung ulit nabasa
babalang mahalaga:
Ibabayad na pera
barya lang sa umaga
Sino’ng itim na lubos
sa tambutsong nagtuos
ng higanteng mga bus?
Baga’y kalunus-lunos.
Sumisikip ang kalye
‘pagkat maraming kotse.
Sampu ang kay alkalde,
daan sa presidente.
Nakabunggo’y tumakbo.
Sa gitnang kalye’y sino
ang bumulagtang tao?
Bangkay na ang obrero. #
Labels:
Natrapik na Pag-unlad,
Paeng Ferrer,
Poems,
Poetry,
Social Criticism,
Tanaga,
Traffic
Wednesday, July 22, 2009
Friday, July 17, 2009
Bagyong Miyerkules at Huwebes
Paeng Ferrer
17 July 2009
Saka ko lang ito nasaksihan,
buong puwersa itong ulan ngayon.
Matuling aapaw ang tubigan,
ngitngit, pangkal ang tangi kong tugon.
Matiwasay ang upuang marmol
at lamesa sa katabing hardin.
Ngunit sa malayo’y tumututol,
umaalpas, plano'y mabibitin.
Dagling dadalaw sa 'kin ang galak,
utos ay umatras sa ‘yong tabi.
Gumigising ang mga bulaklak
sa inam ng ating munting moog.
Itigil ang pag-aatubili,
saglit ang opisina kung tulog. #
17 July 2009
Saka ko lang ito nasaksihan,
buong puwersa itong ulan ngayon.
Matuling aapaw ang tubigan,
ngitngit, pangkal ang tangi kong tugon.
Matiwasay ang upuang marmol
at lamesa sa katabing hardin.
Ngunit sa malayo’y tumututol,
umaalpas, plano'y mabibitin.
Dagling dadalaw sa 'kin ang galak,
utos ay umatras sa ‘yong tabi.
Gumigising ang mga bulaklak
sa inam ng ating munting moog.
Itigil ang pag-aatubili,
saglit ang opisina kung tulog. #
Labels:
Bagyong Miyerkules at Huwebes,
Love Poem,
Paeng Ferrer,
Sonnet
Monday, July 13, 2009
Tricycle: Dalit
Paeng Ferrer
July 9, 2009
Pasensya't ako'y nagkulang
at tricycle, 'di ko masakyan.
Meron lamang ilang angal.
Hindi ako asal sosyal.
Palibhasa'y 'di matangkad
sa bangkito'y pinaliyad.
Nagmamadaling kinalog,
sa yerong bakal inuntog.
Inggit sa kwago sa kalye
umaalis ng de-kotse.
Bukas muling maiinis
papasok ng puro pawis.
'Pag nagmotor sa Payatas
ang uri ko ay mataas,
kung subdibisyon ang sadya
may tsuper na balahura.
Bakit ba 'di natututo?
Yama'y sa ilan sinentro.
Ako nga ba ang nagkulang?
Tricycle ang ating bayan. #
July 9, 2009
Pasensya't ako'y nagkulang
at tricycle, 'di ko masakyan.
Meron lamang ilang angal.
Hindi ako asal sosyal.
Palibhasa'y 'di matangkad
sa bangkito'y pinaliyad.
Nagmamadaling kinalog,
sa yerong bakal inuntog.
Inggit sa kwago sa kalye
umaalis ng de-kotse.
Bukas muling maiinis
papasok ng puro pawis.
'Pag nagmotor sa Payatas
ang uri ko ay mataas,
kung subdibisyon ang sadya
may tsuper na balahura.
Bakit ba 'di natututo?
Yama'y sa ilan sinentro.
Ako nga ba ang nagkulang?
Tricycle ang ating bayan. #
Labels:
Dalit,
Paeng Ferrer,
Social Criticism,
Trasportation System,
Trycicle
Friday, July 3, 2009
"Patay na si Michiko" akda ni Jack Gilbert
Salin ni Paeng Ferrer
Kinakaya niyang kargahin ang kahong
labis ang bigat, umpisa’y nasa ilalim
ang kanyang bisig. Kapag nasaid ang puwersa,
iniuusog ang kamay sa harap, ikinakawit
sa gilid, itinutulak ang timbang
sa dibdib. Iginagalaw ang hinlalaki
kapag napapagod ang daliri, para magbago
ang kalamnang nagdadala. Maya-maya
ay pasan-pasan sa balikat, hanggang
walang natitirang dugo sa bisig,
namamanhid sa pagbabalanse ng sisidlan. Pero
maaaring binubuhat muli mula sa ilalim, upang
posibleng hindi na niya ito ilapag kailanman. #
Labels:
Death,
Death Anniversary,
Grief,
Grieving Process,
Jack Gilbert,
Salin
Thursday, July 2, 2009
Halik sa Ama: Isang Elegia
ni Paeng Ferrer
July 2, 2009
Hindi lahat ng pagdampi
na pisikal ay malugod.
'Di ko tanda ang halik mo,
o misay mo, o kung bakit
'di kita nakilala noong
nag-ahit ka. Magaling ka
na inhinyero at amo.
Kakayahan mo'ng mga ito.
Paano ako hihingi
ng bagay na 'di mo kaya
tulad ng mabuhay muli?
Ngayo'y ganito na ako
mag-isip. Dati'y poot lang.
Sino ako para sa 'yo?
Hinihintay pa rin kita.
Ang huling halik ko sa 'yo
ay itinuro ng Red Cross.
Naaamoy ko ang toothpaste
pero hindi kita ramdam.
Nabigla ang bawat nagmasid. #
Subscribe to:
Posts (Atom)