Thursday, July 2, 2009

Halik sa Ama: Isang Elegia


















ni Paeng Ferrer

July 2, 2009



Hindi lahat ng pagdampi
na pisikal ay malugod.
'Di ko tanda ang halik mo,
o misay mo, o kung bakit

'di kita nakilala noong
nag-ahit ka. Magaling ka
na inhinyero at amo.
Kakayahan mo'ng mga ito.

Paano ako hihingi
ng bagay na 'di mo kaya
tulad ng mabuhay muli?
Ngayo'y ganito na ako

mag-isip. Dati'y poot lang.
Sino ako para sa 'yo?
Hinihintay pa rin kita.
Ang huling halik ko sa 'yo

ay itinuro ng Red Cross.
Naaamoy ko ang toothpaste
pero hindi kita ramdam.
Nabigla ang bawat nagmasid. #

No comments:

Post a Comment