Thursday, April 23, 2009
Diaspora mula sa Ama: Isang Elegia
Paeng Ferrer (07/23/2008)
Isda, lily, at tubig ang mundo
kapag naglalayag sa ilog. Wala
ang pampang at ibayo kapag gutom,
uhaw, at pagal. Wala lahat ‘yon.
Waring palaruan ang pinagmulan ko,
at inakala kong kinalakhan.
Wala akong sikreto sa probinsya.
Nasa ilog ang lihim, maski linlang.
Alaala na lamang ang pamilya ko,
at pangarap. Nanood kami ng sine
sa Calamba, namili sa Raon,
at sama-samang nagsimba noon.
Patawad at ‘di ako matatag
at naghanap ako ng malasakit.
Kailangan pala ang rasyunal.
Nagkakamali ba ako noong musmos?
Ano nga ba ang ilog? Ang ibayo?
Bakit tinatawid? Imahinasyon lang ba
ang mainam na buhay hambing sa ilog?
Parating gabi rito sa bangka.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang gaganda ng mga nauna mong tula kuya paeng!
ReplyDeleteSalamat! Sino nga ulit ito? :-)
Delete